Noong isang linggo, matagumpay na itinaguyod ng Indonesia ang Asian-African Summit at aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng Bandung Conference. Binigyan ng positibong pagtasa ng mga opisyal at iskolar ng mga bansa sa Timog-silangang Asya ang natamong bunga ng naturang pulong, at umaasa silang mapapatingkad ng Tsina ang mas positibong papel sa pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng Asya at Aprika.
Ipinahayag ni Benyamin Carnadi, Opisyal ng Ministring Panlabas ng Indonesia, na pinagtibay sa kasalukuyang summit ang tatlong mabungang dokumento na gaya ng "Komunike ng Bandung sa taong 2015."
Sinabi naman ni Ha Kim Ngoc, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Biyetnam, na binigyang-diin ng Komunike ng Bandung ang pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkultura, at pagbabahagi ng karanasan. Mahalagang mahalaga aniya ang katuturan nito.
Ipinahayag ni Ei Sun Oh, dating Kalihim na Pulitikal ng Punong Ministro ng Malaysia, na bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, gumaganap ang Tsina ng namumunong papel sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa iba't ibang bansa ng Asya at Aprika, at magkakasamang paglikha ng kasaganaan.
Salin: Vera