Sa isang news briefing sa Jakarta kahapon, sinabi ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na sa susunod na buwan, idaraos ng kanyang ministri ang isang serye ng mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng Asian-African Conference.
Ayon sa salaysay, idaraos sa Bandung at Jakarta, Indonesia ang naturang serye ng mga aktibidad mula ika-19 hanggang ika-24 ng susunod na buwan. Sa bangkete sa gabi ng ika-22 ng Abril, sasalubungin ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ang mga panauhin mula sa iba't ibang bansa, at mangungulo rin siya sa pulong sa mataas na antas ng mga bansang Asyano-Aprikano.
Salin: Vera