Ayon sa pinakahuling "Ulat hinggil sa Mobile Internet sa Daigdig sa Taong 2015," nangunguna sa buong mundo ang bolyum ng pag-download ng IOS App ng Tsina.
Ang naturang ulat ay ipinalabas kahapon ng App Annie, isang kompanya ng pananaliksik sa pamilihan ng App.
Sinabi ni Danielle Levitas, Senior Vice President of Research & Analysis ng naturang kompanya, na noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 30% ang bolyum ng pag-download ng IOS App ng Tsina, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang pagdaragdag ng bolyum ng pag-download ay nagbunsod ng pagdaragdag ng pakinabang. Mula noong unang kuwarter ng nagdaang taon hanggang unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 90% ang pakinabang ng IOS App ng Tsina. Lumaki naman ng 30% ang ganitong datos ng Amerika, at 50% naman ang Hapon.
Salin: Vera