|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos ng Myanmar Post and Telecommunication (MPT), telecommunication service provider na ari ng bansa, sa taong ito, inaasahang lalampas sa 3 milyon ang mga mobile data user ng Myanmar.
Idinagdag pa ng MPT na sapul noong 2011, nananatiling matatag ang paglaki ng mga mobile data user ng bansa.
Anang MPT, sa kasalukuyan, ang mga mobile user ay maaring umoder ng data service sa pamamagitan ng SMS. Noon, ang mga users ay kailangang pumunta sa mga opisina ng MPT para mag-subscribe sa nasabing serbisyo.
Bukod dito, bumaba rin ang presyo ng additional data service sa 10,000 kyats o 10 dolyares mula sa 30,000 kyats o 30 dolyares.
Ayon pa rin sa datos, sa kasalukuyan, 10% lamang ng populasyon ng Myanmar ang gumagamit ng mobile phones. Kaya, ipinalalagay ng mga may kinalamang tauhan na malaki pa rin ang espasyo para sa paglaki ng mga mobile user ng bansa.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |