Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tila lumilipad na litrato ng may Down Syndrome na anak, isinapubliko ng ama

(GMT+08:00) 2015-05-04 14:33:14       CRI

Sa pamamagitan ng internet, isinapubliko kamakailan ni Alan Lawrence ang isang serye ng mga photoshoped na litrato ng kanyang may Down Syndrome na lalaking anak na si William. Sa mga nasabing litrato, tila lumilipad si William. Ani Alan, inilagay niya ang naturang mga litrato sa internet para bigyan ng lakas ng loob ang ibang pamilya na may katulad na situwasyon.

Si William ay ipinanganak noong Oktubre, 2013. Nalungkot si Alan nang malaman niyang may Down Syndrome si little William. Pero, ipinasiya niyang bigyan ng positibong atityud ang ibang pamilya sa pamamagitan ng mga litrato ni William.

Noong Nobyembre, 2013, binuksan ni Alan ang "Blog ng Ama" para i-post ang mga litrato ng kanyang anak na lalaki. Nang si little William ay nagsisimulang gumapang, ang pustura niya ay parang lumilipad. Sanhi nito, sinimulan ni Alan ang paglikha ng iba't ibang litrato kung saan tila lumilipad si William, at ini-post ang mga ito sa internet; bagay na nakatawag ng malawakang pansin sa buong mundo. Ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang may Down Syndrome na anak ay tumimo sa puso ng mga netizen.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>