Binuo ng muling halal na Punong Ministro ng Britanya David Cameron ang gabinete na binubuo ng mga Conservatives. Sapul noong 1997, ito ang unang gabinete kung saan ang lahat ng miyembro ay mula sa Partido Konserbatibo.
Manunungkulan pa rin sa bagong buong Gabinete ang mga pangunabing kaalyado ni Cameron na kinabibilangan nina Chancellor of the Exchequer George Osborne, Home Secretary Theresa May, Kalihim ng Ugnayang Panlabas Philip Hammond at Kalihim ng Tanggulang-bansa Michael Fallon.
Idinaos ang panlahat na halalan ng Britanya noong ika-7 ng Mayo. Nakuha ng Partido Konserbatibo ang 331 sa kabuuang 650 puwesto ng Parliamento. Kaya, maaaring buuin ni Cameron ang all-Conservative cabinet.
Salin: Jade