"Umaasa ang Tsina na itatakwil ng Amerika ang kaisipan ng Cold War at prejudice sa pag-unlad ng larangang militar ng Tsina." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa "2015 Report on Military and Security Development in China" na ipinalabas kamakailan ng Amerika.
Ipinahayag ni Hua na walang tigil na pinapalaganap ng Amerika ang umano'y banta mula sa Tsina. Ani Hua, walang batayang pinagdududahan din ng Amerika ang normal na konstruksyong militar ng Tsina. Aniya pa, sinasabi rin ng Amerika ang kung anu-ano laban sa lehitimong aksyon ng bansa sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at interes nito sa South China Sea. Aniya, tinututulan ng Tsina ang mga ito.
Ipinahayag ng Tagapagsalitang Tsino na bilang mahalagang puwersa sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig, positibo ang Tsina sa pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad at pagsasagawa ng patakarang pandepensa na nagbibigay-priyoridad sa pagtatanggol sa sarili. Dagdag pa niya, ang normal na konstruksyong pandepensa ng Tsina ay naglalayong pangalagaan ang kasarinlan, at kabuuan ng soberanya at teritoryo nito.