Sa kanyang pag-aanalisa hinggil sa matumal na paglaki ng pambansang kabuhayan, sinabi kamakailan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesiya na nagsimula nang bumagal ang paglaki ng kabuhayan ng bansa noong kalagitnaan ng 2012. Noong 2014, umabot lamang sa 5.02% ang paglaki ng kabuhayan ng bansa at ito ay mas mababa kumpara sa 6.03% na paglaki noong 2012.
Ipinahayag ng pangulong Indones na upang mapalago ang pambansang kabuhayan, magsasagawa ang kanyang pamahalaan ng isang serye ng hakbangin na kinabibilangan ng pagkakaloob ng sampung trilyong Rupiah na subsidy para sa mga pamilya para mapasulong ang kanilang konsumo; pagpapasulong ng sampung pinakapangunahing organo ng pamahalaan sa kanilang pagpapatupad sa kani-kanilang budget; at pagpapabilis ng konstruksyon ng imprastruktura na gaya ng power plants, expressway at pabahay.
Salin: Jade