Dumalo kahapon ng hapon sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Narendra Modi ng India sa aktibidad ng pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa, na nagtampok sa Taichi, tradisyonal na martial art ng Tsina, at Yoga, physical practice na nagmula sa India.
Pagkaraang manood ng pagpapraktis ng mahigit 400 mamamayang Tsino at Indyano ng Taichi at Yoga, kapwa binigyang-diin nina Li at Modi ang malaking papel ng pagpapalitang pangkultura para sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at India. Ipinahayag din nilang ang sabay-sabay na pagtatanghal ng Taichi at Yoga ay nagpakita ng komong hangarin ng dalawang bansa para sa magandang pamumuhay ng kani-kanilang mga mamamayan, at katatagan, kasaganaan, at kapayapaan ng rehiyon at buong daigdig.
Salin: Liu Kai