|
||||||||
|
||
Makaraan silang magtagpo kahapon ng hapon sa Xi'an, Lalawigang Shaanxi sa dakong kanluran ng Tsina, sinamahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si dumadalaw na Punong Ministro Narendra Modi ng India sa pagdalaw sa nasabing makasaysayang siyudad.
Bumisita ang dalawang lider sa Da Ci'en Temple at Wild Goose Pagoda, kung saan pinamunuan ng isang kilalang Budistang monghe na si Xuan Zang noong Tang Dynasty (AD 618-907), ang pagsasalin ng banal na kasulatang Budista na dinala niya mula sa kanyang biyahe sa sinaunang India at nagpakalat ng doktrinang Budista sa Tsina.
Sinabi ni Pangulong Xi na kinakitaan ang Da Ci'en Temple ng mahabang pagpapalitang pangkaibigan sa pagitan ng Tsina at India. Ipinangako rin niyang i-angat pa sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang lunsod Xi'an ay lupang-tinubuan ni Pangulong Xi. Sa kanyang biyahe sa India noong Setyembre, 2014, sinamahan ni Modi ang pangulong Tsino na bisitahin ang Gujarat, home state ni Modi.
Sumang-ayon ang dalawang lider na pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng India at Tsina sa iba't ibang larangan batay sa Belt and Road Initiative, at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), dalawang proposal na iniharap ng panig Tsino; at ang patakarang "Act East" na iniharap ni Modi.
Nakatakdang bumisita rin ang punong ministro ng India sa Beijing at Shanghai.
Ito ang unang biyahe ni Modi sa Tsina sapul nang manungkulan siya bilang punong ministro ng India.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |