Kinatagpo ngayong hapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si dumadalaw na Punong Ministro Narendra Modi ng India, sa Xi'an, Lalawigang Shaanxi sa dakong kanluran ng Tsina.
Dumating siya ng Xi'an ngayong umaga. Nakabisita na si Modi sa mga kilalang lugar na panturista sa nasabing makasaysayang siyudad na gaya ng terra cotta warriors.
Nakatakdang bumisita rin ang punong ministro ng India sa Beijing at Shanghai.
Ito ang unang biyahe ni Modi sa Tsina sapul nang manungkulan siya bilang punong ministro ng India.
Salin: Jade