Pagkatapos ng kanyang pagdalo sa seremonya bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay mg Allied Forces noong World War II (WWII), at pagdalaw sa Rusya, dumating kahapon ng umaga sa Minsk, kabisera ng Belarus, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado rito. Nang araw ring iyon, nag-usap si Xi at ang kanyang counterpart na si Alexander Grigorievich Lukashenko. Kapuwa sinang-ayunan ng dalawang panig na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at likhain ang bagong panahon ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Belarus.
Tinukoy ni Xi na sa pagdalaw ni Pangulong Lukashenko sa Tsina noong 2013, ipinatalastas ng dalawang bansa ang pagtatatag ng komprehensibo't estratehikong partnership, at pumasok na sa bagong yugto ang relasyon Sino-Belarus. Umaasa aniya siyang gagawing pagkakataon ang kasalukuyang pagtatagpo nila ni Lukashenko, para mapasulong ang paglilipat ng relasyong pulitikal sa mataas na antas ng dalawang bansa sa tunay na bunga ng pragmatikong kooperasyon.
Salin: Vera