|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng 14-araw na biyahe, sa wakas, dumating kahapon ng hapon sa Nepal ang unang batch ng dalawang daa't limampung tolda na inabuloy ng Samahang Budista ng Tsina.
Dahil sa trapik sa Tribhuvan International Airport sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, hindi maaaring direktang ipinadala sa nilindol na bansa mula sa Tsina. Kaya, ipinadala muna ang nasabing mga tolda sa Shanghai sa pamamagitan ng trak, tapos, inihatid ang mga ito sa New Delhi lulan ng eroplano, at mula sa kabisera ng India, ipinadala ang mga ito sa Kathmandu matapos dumaan ng Lumbini, lugar malapit sa hanggahan ng India at Nepal.
Ang mga tolda ay ibabahagi sa Samahang Budista ng Nepal at iba pang organisasyon para tulungan ang mga taong apektado ng lindol.
Ang kabuuang bilang ng mga toldang nakatakdang iabuloy ng Samahang Budista ng Tsina ay 1,600.
Papalapit na ang 4 na buwang tag-ulan ng Nepal. Sa kasalukuyan, kulang pa rin sa mga tolda at tarpaulin.
Ayon sa pinakahuling datos ng pamahalaan ng Nepal, hanggang ngayon, mahigit 9,000 ang nasawi at halos 20,000 ang nasugatan dahil sa 7.9 magnitude na lindol na naganap noong ika-25 ng Abril.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |