Idinaos kahapon ng Pangkalahatang Asembleya ng UN ang sesyong plenaryo hinggil sa gawain ng panaklolo at rekonstruksyon pagkaraan ng napakalakas na lindol sa Nepal. Pinagtibay sa sesyon ang resolusyon hinggil sa pagdaragdag ng tulong sa Nepal.
Sa kanya namang talumpati sa sesyong ito, sinabi ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na batay sa mga pangangailangan ng Nepal, nakahanda ang Tsina na patuloy na magbigay-tulong sa bansang ito sa mga aspekto ng serbisyong medikal, pagsasaayos ng mga apektadong tao, rekonstruksyon, at iba pa.
Salin: Liu Kai