|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos ng pamahalaan ng Nepal, hanggang kahapon, 8019 na ang nasawi at halos 18,000 ang nasugatan dahil sa lindol na naganap noong ika-25 ng Abril.
Ayon naman sa datos ng World Health Organization (WHO), sapul nang maganap ang 7.9 magnitude na lindol sa Nepal, 132 grupong medikal mula sa apat na sulok ng daigdig ang nakarating na sa bansa. Kabilang dito, ang mga grupong medikal ng Tsina.
Sa isang panayam kahapon sa China Radio International, sinabi ni Lu Lin, Puno ng Grupong Medikal ng Pamahalaang Tsino na 13 araw silang nakatalaga sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, pero kasisimula pa lang ang gawain ng pagpigil sa pagkalat ng epidemiya.
Sinabi ni Lu na ayon sa kanilang pagsusuri sa 33 relocation sites, nananatili pa ring malaki ang panganip ng pagkalat ng nakakahawang sakit dahil hindi pa natitiyak ang suplay ng tubig na maiinom at kulang pa rin sa mga hakbangin at pasilidad para mahawakan ang basura at mga bangkay ng biktima at hayop.
Ang grupo na pinamumunuan ni Lu ay pangalawang grupong medikal na ipinadala ng pamahalaang Tsino sa Nepal. Binubuo ito ng 59 na tauhang medikal sa larangan ng epidemiolohiya, laboratory test, psychological intervention at iba pa.
Ipinagmalaki ni Lu na ang grupong medikal ng Tsina ang unang grupong medikal na maaaring magsagawa ng risk assessment at katugong plano; ikalawa, ang grupong medikal ng Tsina ay tanging grupong na nakapagtayo ng laboratoryo ng pagsusuri at pagsubok sa tubig maiinom at epidemiya; ikatlo, ang grupong medikal Tsino ay tanging grupong medikal na nakapagsasanay sa halos 900 lokal na tauhang medikal; ikaapat, ang grupong medikal ng Tsina ay nakapagtatag din ng magkasanib na mekanismo kasama ang anim na organong medikal ng Nepal at WHO.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |