|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon sa Fuzhou, kabisera ng lalawigang Fujian sa dakong timog-silangan ng Tsina, ang Unang 21st Century Maritime Silk Road Expo.
Humigit-kumulang 1,850 bahay-kalakal mula sa 49 na bansa at rehiyon ang kalahok sa nasabing ekspo.
Isa sa mga pangunahing bahagi ng ekspong ito ay ang pagdaraos ng Asia Cooperation Dialogue (ACD) na may temang magkakasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, o sa madaling sabi, Belt and Road Initiative. Ang inisyatibong ito ay iniharap ng Tsina noong 2013 para maisakatuparan ang komong kasaganaan ng mga may kinalamang bansa at rehiyon.
Ang ACD, na itinatag noong 2002 sa Thailand, ay isang mekanismong pandiyalogo at pangkooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaang Asyano. Mayroon na itong 33 kasaping bansa.
Salin: Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |