|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni Dr. Merriden Varrall, Direktor ng East Asia Program ng Lowy Institute for International Policy, think tank ng Australia na ang ang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road, o sa madaling salita, Belt at Road Initiative na iniharap ng Tsina ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa mga bansa sa paligid nito at malaki din ang potensyal na makikinabang dito ang nasabing mga bansa.
Ipinagdiinan ni Dr. Varrall na maraming kakaharaping hamon ang Tsina at mga may kinalamang bansa sa pagpapasulong ng Belt at Road Initiative at kailangan silang magkoordinahan at magtulungan hinggil dito.
Belt and Road Initiative, nagdudulot ng pagkakataong pangkasaysayan para sa pagtutulungang Sino-Malay: sugong Malay
Sinabi kahapon ni Zainuddin Yahya, Sugo ng Malaysia sa Tsina, na ang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road, o sa madaling salita, Belt at Road ay nagdudulot ng pagkakataong pangkasaysayan para sa pagtutulungang Sino-Malay.
Winika ito ng sugong Malay sa kanyang pagdalaw sa China-Malaysia Qinzhou Industrial Park sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ang nasabing industrial park na sinimulan nang itatag noong Abril, 2012 ay nagsisilbing flagship na proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Malaysia.
Tagasalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |