Sa Geneva—Nagpalabas dito kahapon ng pahayag ang opisyal ng United Nations (UN) kung saan nanawagan sa Indonesia, Malaysia at Thailand na pahintulutang makapasok sa kanilang bansa ang mga refugee na nakabunton sa Bay of Bengal at rehiyong pandagat ng Andaman Sea.
Ang naturang pahayag ay magkakasanib na ipinalabas nina Antonio Guterres, UN High Commissioner for Refugees, Zeid Ra'ad Zeid Al-Hussein, UN High Commissioner for Human Rights, Peter Denis Sutherland, Special Representative of the Secretary-General of the UN on International Migration and Development, at William Lacy Swing, Director General ng International Organization for Migration (IOM).
Nanawagan ang pahayag sa mga kinauukulang bansa na palakasin ang aksyon ng pagliligtas sa dagat, at itigil ang pagpapabalik ng mga refugee sa dagat. Pahintulutan ang napapanahong paglunsad ng naturang mga refugee, at patuluyin sila sa ligtas na lugar na may pundamental na kapaligiran ng makataong tulong. Iwasan ang pagpigil at ibang parusa sa naturang mga tao, at pag-ibayuhin ang parusa sa mga human smuggler, para malutas ang sanhi ng isyung ito.
Salin: Vera