Tinalakay kahapon sa Malaysia ng mga Ministrong Panlabas ng Malaysia, Indonesia at Thailand ang mga isyung may-kinalaman sa refugees. Pagkaraan ng nasabing pagtitipon, sinang-ayunan ng Malaysia at Indonesia ang pagbibigay ng pansamantalang panunuluyan sa mga refugee na kasalukuyang tumitigil sa karagatan. Pero, ito anila'y may paunang kondisyon.
Samantala, ipinahayag ng nasabing 3 bansa ang mahigpit na pagkondena sa pagpupuslit ng mamamayan, at ang pag-asang magbibigay-tulong ang komunidad ng daigdig para lutasin ang kasalukuyang kalagayang apektado ng mga refugee.