Ipinahayag kamakailan ni Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia — kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na sa ika-26 na ASEAN Summit na gaganapin sa katapusan ng linggong ito, ihaharap ng kanyang bansa ang walong pangunahing target sa lahat ng kasaping bansa para pormal na maitatag ang ASEAN Economic Community (AEC) sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Ani Anifah Aman, ang naturang walong pangunahing target ay kinabibilangan ng blueprint ng AEC pagkatapos ng taong 2015, pagpapahigpit ng relasyon ng ASEAN, pagpapasulong ng pag-unlad ng mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal, pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga bansang ASEAN, pagpapalakas ng mga organo ng ASEAN, pagpapasulong ng kapayapaan at kaligtasang panrehiyon, pagpapataas ng katayuan ng ASEAN sa komunidad ng daigdig, at iba pa.
Salin: Li Feng