Sa isang magkakasanib na pahayag na ipinalabas kahapon ng mga Ministrong Panlabas ng Malaysia, Thailand, at Indonesia, ipinangako nilang magkaloob ng makataong tulong sa mga 700 refugees mula sa Timog Silangang Asya na nananatili pa rin sa dagat.
Ipinalabas ng UN High Commissioner for Refugees (UNHCR) ang pahayag bilang pagtanggap tungkol dito. Ipinahayag ng UNHCR ang mainit na pagtanggap sa nasabing pangako ng tatlong bansa. Ito anito ay isang masusing hakbang para malutas ang isyu ng mga refugees sa dagat. Ipinagdiinan din ng UNHCR na ang kasalukuyang pinakamahalagang bagay ay dapat agarang iligtas ang mga refugee mula sa dagat, at dapat ding agarang ipagkaloob ang tulong sa kanila.
Ipinahayag naman ng Pamahalaang Thai na idaraos sa Bangkok sa ika-29 ng buwang ito ang isang regional summit para talakayin kasama ng 15 bansang gaya ng Indonesia, Malaysia, Bangladesh, Myanmar, Australia, at Amerika, ang tungkol sa kung paanong malulutas ang krisis ng mga refugees sa dagat.
Salin: Li Feng