Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, noong 2014, mahigit 377,000 estudyanteng dayuhan ang pumasok sa 775 inistitusyong pang-edukasyon ng Tsina. Ang bilang na ito ay mas mataas ng halos 6% kumpara noong 2013. Noong 2014, ang mga estudyanteng dayuhan na nag-aaral sa Tsina ay katumbas ng 8% ng mga estudyante na nag-aaral sa ibayong dagat sa buong mundo. Ang Tsina ngayon ang ikatlong pinakamalaking bansa kung saan nag-aaral ang mga estudyanteng dayuhan.
Ayon pa sa datos, noong 2014, halos 3/5 ng mga estudyang dayuhan na nag-aaral sa Tsina ay galing sa mga bansang Asyano, lalong lalo na mula sa mga bansa ng Timog-silangang Asya.
Ayon sa pagtaya, sa 2020, ang Tsina ang magiging bansa sa Asya na may pinakamaraming estudyanteng dayuhan.
Salin: Jade