|
||||||||
|
||
Pormal nang isinaoperasyon ang unang hand-drawn cartoon subway train sa Ningbo, Lalawigang Zhejiang ng Tsina.
Ang pangunahing elemento ng naturang tren ay kultura ng maritime silk road ng Ningbo. Ito ay mahalagang hakbangin ng Ningbo Rail Transit bilang tugon sa mungkahi ng Tsina ng magkakasamang pagpapasulong ng iba't ibang bansa ng "Silk Road Economic Belt" at "21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road."
May 6 na theme coach ang tren: maritime silk road; maritime silk road stage; bagong imahe ng lumang lunsod; liwanag ng lunsod; kabataan sa ilalim ng neon lights; at paggagalugad sa kinabukasan.
Ang Ningbo ay kilalang puwerto sa Tsina noong sinaunang panahon. May mahalagang katayuan ito sa maritime silk road, sa aspekto ng kalakalang panlabas.
Sa pamamagitan ng hand-drawn cartoon at magkakaibang kulay, idinispley ng naturang tren ang kultura ng maritime silk road sa kasaysayan ng Ningbo, at masaganang kalagayan ng sonang komersyal at pangkalakalan sa modernong kalunsuran ng Ningbo. Ang kaibhan ng nakaraan at kasalukuyan ay nagpapakita ng pagbabago at natamong bunga ng pag-unlad ng komersyo at kalakalan ng kalunsuran ng Ningbo.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |