Isang seremonya ng pagbibigay-gantimpala ang idinaos kahapon sa Kathmandu, sa pangunguna ni Gaurav Shumsher Rana, Chief of General Staff ng sandatahang lakas ng Nepal. Ito ay bilang pasasalamat sa tulong na ibinigay ng Armed Police Force ng Tsina, sapul nang maganap ang lindol sa bansa noong ika-25 ng Abril.
Sinabi ni Heneral Rana na pagkaraang maganap ang lindol, nagbigay-tulong ang Tsina sa rekonstruksyon ng kanyang bansa.
Inilahad naman ni Fu Ling, Puno ng rescue team ng Armed Police Force ng Tsina ang kalagayan hinggil sa mga gawaing-panaklolo ng kanyang grupo sa Nepal, na gaya ng pagpapanumbalik sa mga lansangan, paglilinis ng landslide, at iba pa.