|
||||||||
|
||
Ipinalabas ngayong araw ng pamahalaang Tsino ang White Paper hinggil sa Estratehiyang Militar ng bansa. Ayon sa White Paper, magsasagawa ang Tsina ng aktibong estratehiyang militar na depensibo.
Nasasaad sa White Paper na ang pangunahing larangang panseguridad ng Tsina sa hinaharap ay ang karagatan, kalawakan, cyber space at lakas na nuklear.
Mababasa rin sa White Paper na ang hukbong Tsino ay nananangan at mananangan pa sa komong seguridad, komprehensibong seguridad, seguridad na pangkooperasyon at sustenableng seguridad. Anito pa, igigiit din ng Tsina ang mga prinsipyong walang alyansya, walang komprontasyon at di-nakatuon sa ikatlong panig para makalikha ng mapayapang kapaligiran sa loob at labas ng bansa.
Ipinangako rin ng Tsina sa White Paper na ibayo pang makikilahok ang Tsina sa pandaigdig na misyong pamayapa at tulong na humanitaryan at isasabalikat ang mas maraming responsibilidad na pandaigdig sa abot ng makakaya para mapangalagaan ang kapayapan at kaunlaran ng daigdig.
Ito ang ika-9 na White Paper na Pandepensa na ipinalabas ng Tsina sapul noong 1998 kung saan isinapubliko nito ang unang katulad na white paper. Nahahati ito sa anim na bahagi na may kinalaman sa paunang salita at kalagayang panseguridad ng bansa, misyon at tungkulin ng hukbong Tsino, aktibong estratehiyang depensibo, pag-unlad ng puwersang militar, paghahandang militar, at pagtutulungang militar. Mayroon itong bersyon sa walong wika na kinabibilangan ng wikang Tsino, Ingles, Pranses, Ruso, Aleman, Espanyol, Arabiko at Hapones.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |