Ipinahayag kahapon ni Queen Elizabeth II ng Britanya na umaasa ang kanyang bansa na pahihigpitin ang partnerhip sa Tsina.
Sa seremonya ng pagbubukas ng bagong Parliamento ng Britanya, bumigkas si Renyang Elizabeth II ng talumpati para ihatid ang mga plano ng bagong pamahalaan sa administratibong isyu.
Bukod dito, sinabi niyang isasagawa muli ng pamahalaan ng Britanya ang talastasan sa Unyong Europeo (EU) hinggil sa relasyon ng dalawang panig at pasusulungin ang reporma sa EU para makatugon sa kapakanan ng lahat ng mga kasaping bansa nito.
Sinabi rin niyang isasagawa ng Britanya ang reperendum hinggil sa pagtiwalag sa EU bago ang taong 2017.