Binuksan kahapon sa Singapore ang tatlong raw na ika-14 na Shangri-La Dialogue para talakayin ang mga isyung panseguridad hinggil sa rehiyong Asya-Pasipiko. Lumahok sa pulong na ito ang mga puno ng panig militar at departamentong pandepensa ng 26 na bansa at rehiyon.
Sa Seremonya ng Pagbubukas, sinabi Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, na umaasa ang lahat ng mga bansang Asyano na mapapanatili ng Tsina at Amerika ang mainam na relasyon.
Sinabi pa niyang aktibong lumalahok ang Tsina sa takbo ng sistemang pandaigdig sa pamamagitan ng kooperatibong balangkas nito ng ASEAN, konstruksyon ng "Silk Road Economic Zone at 21st Century Maritime Silk Road ", at pagbuo ng Asian Infrastructure Investment Bank.
Bukod dito, ikinababahala niya ang mga hamon na kinakaharap ng rehiyong Asya-Pasipiko. Sinabi niyang dapat aminin ng Hapon ang mga kamalian nito noong World War II at opisyal na humingi ng paumanhin hinggil sa mga isyu na gaya ng Nanjing Massacre at "Comfort Women."