|
||||||||
|
||
GUANGXI, Tsina--Pinasinayaan kamakailan ang Kauna-unahang China-ASEAN Short Film Contest. Ito ay naglalayong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya, sa ilalim ng Belt and Road Initiative, o Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, na iniharap ng panig Tsino para maisakatuparan ang magkakasamang pag-unlad.
Banner ng Paligsahan sa website na http://zt.gxtv.cn/2015dmwdy/DefaultEn.aspx
Ang Paligsahang may temang "Dream Enlightens Our Life, Cooperation Makes Dreams Come True" ay nagsimula ngayong buwan, at tatagal hanggang Setyembre ng taong ito. Nagbukas din ang website ng Paligsahan na http://zt.gxtv.cn/2015dmwdy/DefaultEn.aspx.
Iniimbitahan ng mga tagapag-organisa ang mga estudyante at mamamayan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya na sumali sa paligsahang ito.
Ito ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Guangxi Television; Youku, isang pangunahing video sharing website ng Tsina; at iba pang organo.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |