Isang bapor na lulan ang 458 tao ang lumubog kagabi sa Yangtze River sa dakong gitna ng Tsina.
Inutusan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga may kinalamang panig sentral at lokal na buong-sikap na hanapin at iligtas ang mga sakay ng nasabing bapor. Kasabay nito, sa pamumuno ni Premyer Li Keqiang, ang espesyal na grupo ng Pambansang Pamahalaan ay nagtungo na sa lugar ng sakuna para mangasiwa sa paghahanap at pagliligtas.
Ayon sa pinakahuling balita, siyam katao ang kumpirmadong nailigtas.
Ang bapor, na pinangalanang Dongfangzhixing (Eastern Star) ay lumubog sa Ilog Yangtze sa Jianli, lalawigang Hubei, mga alas 9:28 kagabi dahil sa bagyo.
Salin: Jade