|
||||||||
|
||
Humingi ng paumanhin kamakalawa si Minister Moon Moon Hyung-pyo ng Ministri ng Kalusugan at Kawanggawa ng Timog Korea dahil sa di-mabisang pagpigil sa epidemiya ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Ipinangako niyang bubuo ang pamahalaan ng espesyal na grupo para makontrol ang pagkalat ng sakit.
Sinabi rin ni Minister Moon na ngayong linggo ay kritikal para mapigilan ang pagkalat ng epidemiya.
Ipinahayag din ng opisyal ang pasasalamat sa panig Tsino sa mabisang paggamot sa isang Timog Koreano na lumisan ng bansa at pumasok sa Tsina.
Ayon sa pinakahuling datos, 25 Timog Koreano ang kumpirmadong nahawa ng sakit na ito. Dahil dito, ang Timog Korea ay ikatlong bansa na may pinakamaraming mamamayang nagkaka-MERS kasunod ng Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE).
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |