Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Kalusugan at Kawanggawa ng Timog Korea, hanggang ngayong madaling araw, 35 katao ang kumpirmadong nahawahan ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Nangulo si Pangulong Park Geun-hye sa pangkagipitang pulong para makontrol ang pagkalat ng nakakahawang sakit. Binabalak din ng Timog Korea na buksan ang espesyal na ospital para gamutin ang mga may sakit na MERS.
Pitong daa't tatlong paaralan sa buong bansa ay nagpasiyang suspindihin ang klase dahil sa epidemiyang ito.
Salin: Jade