Idinaos ngayong umaga sa lugar kung saan lumubog ang bapor na "Eastern Star" sa Yangtze River ang seremonya ng pagluluksa sa mga nasawi sa insidenteng ito na naganap noong unang araw ng Hunyo, 2015.
Lumahok sa nasabing seremonya ang mahigit 1000 katao na kinabibilangan ng mga kamag-anak ng mga nasawi, rescue personnel, mamamahayag at mamamayang lokal.
Ayon sa tradisyong Tsino, ang ika-pitong araw pagkatapos ng pagyao ng isang tao ay araw ng pagdaraos ng seremonya ng pagluluksa sa kanya.
Hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng mga nasawi sa naturang insidente ay umabot na sa 431 at 11 ang nawawala.