Sa pamamagitan ng mahigit 12 oras na pagsisikap, naipihit na paitaas kaninang umaga ang lumubog at nakataob na bapor pampasahero ng Tsina sa Yangtze River.
Pagkaraan nito, sinimulang inalisan ng tubig para lumutang ang bapor, at irekober ang labi ng mga nasawi.
Ayon sa Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, ang operasyon ng pagpipihit-paitaas ng bapor ay sinimulan kagabi, dahil wala pang buhay na pasahero ang natuklasan pagkaraan ng tatlong araw, sapul nang maganap ang aksidente. Anito, ang operasyon ay makakabuti sa pagrerekober ng labi ng mga nasawi sa loob ng pinakamaikling panahon, bilang paggalang sa kanila.
Ayon pa rin sa naturang ministri, hanggang kaninang umaga, 14 na tao ang nailigtas at 97 naman ang kumpirmadong nasawi sa naturang bapor na may lulang mahigit sa 450 katao.
Salin: Liu Kai