Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa London kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ipinahayag ni Punong Ministrong David Cameron ng Britanya ang paghihintay sa gagawing pagbisita ni Pangulong Xi Jinping sa kanyang bansa sa darating na Oktubre. Aniya, nakahanda ang Britanya na pasulungin ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig. Positibo rin aniya ang Britanya sa mas malaking pamumuhunan mula sa Tsina sa larangan ng high speed railway, pansibil na enerhiyang nuklear, telekomunikasyon at iba pa, pagpapasulong ng talastasan ng Tsina at Europa tungkol sa kasunduang pangangalaga sa pamumuhunan, at pag-aaral sa posibilidad hinggil sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Europa.
Ipinahayag naman ni Wang Yi na ang pagdalaw ng Pangulong Tsina sa Britanya ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang hahanapin ng Tsina at Britanya ang bagong larangan para palawakin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, lalo na ang pagtutulungan sa produktibong kakayahan ng daigdig, kooperasyong pinansyal, pagpapasulong ng inobasyon, pangangasiwa at pag-unlad ng daigdig at iba pa.