Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Jakarta sa delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) na pinamununan ni Guo Yezhou, Pangalawang Puno ng International Department ng Komite Sentral ng CPC, ipinahayag ni Pangalawang Pangulong Yusuf Kalla ng Indonesya na bilang komprehensibong estratehikong partner, mabunga ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Indonesia sa ibat-ibang larangan. Positibo aniya ang kanyang bansa sa usaping ito.
Ipinahayag naman ni Guo Yezhou na nakahanda ang CPC na magsikap, kasama ng ibat-ibang partidong pampulitika ng Indonesya, para tupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa at pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan nito.