Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Indonesya, bumisita kamakalawa si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, sa Bandung, kung saan idinaos noong taong 1955 ang Unang Asian-African Conference na tinatawag ding Bandung Conference.
Sinabi ni Liu na paglipas ng 60 taon, mahalaga pa rin ang diwa ng Bandung Conference na nagtatampok sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagtutulungan. Aniya, nakahanda ang Tsina na igiit ang diwa ng Bandung Conference, patuloy na pasulungin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga umuunlad na bansa, at gawin ang mas malaking ambag para sa kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan ng daigdig.
Salin: Liu Kai