Ipinahayag kahapon ng Awtoridad ng Kalusugan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong (HKSAR) na dahil sa madalas na palitan ng tauhan sa pagitan ng HK at Timog Korea, ipagpapatuloy nito ang mga isinasagawang hakbang bilang pagpigil sa Middle East Respiratory Syndrome(MERS), hanggang makontrol at mapabuti ang kalagayan ng epidemya ng MERS sa Timog Korea.
Ayon sa estadistika ng nasabing awtoridad, 23 pinagdududahang kaso ng MERS ang natuklasan sa HK, mula noong ika-13 hanggang ika-14 ng buwang ito. Pero, sa kasalukuyan anito, wala pang kumpirmadong kaso.