Tungkol sa pormal na paglagda ng Tsina at Australia ng Free Trade Agreement (FTA), nagpadala ngayong araw sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Tony Abbott ng Australia ng liham na pambati sa isa't isa.
Sa kanyang liham, tinukoy ni Xi na ang paglagda ng FTA ay magkakaloob ng mas kompletong plataporma at garantiya sa sistema, para sa pagsasakatuparan ng mahigpit na kooperasyong may pagkokomplemento ng bentahe at mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Makakatulong din ito sa pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Sa kanya namang liham, ipinahayag ni Abbott na ang pormal na paglagda ng FTA ng Tsina at Australia ay bagong simula ng relasyon ng dalawang bansa. Sanhi nito, magiging mas malaya ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa, at mas hihigpit din ang kanilang relasyon.
Salin: Vera