Ipinahayag kahapon ng World Health Organization (WHO) na ang pagkalat Middle East Respiratory Syndrome (MERS) ay hindi maituturing na public health emergency na ikababahala ng daigdig.
Nagdaos ng ika-9 na pulong kamakalawa ang WHO Emergency Committee hinggil sa pagkalat ng MERS sa Timog Korea.
Ipinatalastas ngayong araw ng Ministri ng Kalusugan at Kawanggawa ng Timog Korea na 23 katao na ang namatay sa sakunang ito at umabot sa 13.9% ang fatality rate.
Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, tatlong kaso lang ang kinumpirma ng WHO bilang public health emergency na may pandaigdig na pagkabahala, at ang pinakahuli ay ang epidemiya ng Ebola sa kanlurang Aprika.
Salin: Jade