
Noong Nobyembre ng taong 2014, nag-Twitt ang isang lalaking Arabe na may sakit, walang pera at nag-iisa. At pagkaraang kumalat ang kanyang post sa twitter, magkakasunod na bumisita sa kanya sa ospital ang mga mayaman kasama ng maraming bulaklak, regalo at pera.

Noong Agosto ng taong 2014, iniorder ng isang mayamang businessman ng Indya ang isang damit na yari sa purong ginto bilang birthday gift sa kanyang sarili. Umabot sa 4 na kilo ang damit na ito na nagkakahalaga ng mahigit 200 libong dolyares.

Noong Pebrero ng taong ito, binili ng isang billionare na Dubai ang isang bicycle na nagkakahalaga ng 1 milyong dolyares. Ang bicycle na ito ay gawa sa purong ginto at inidecorate ng 500 sapphire at 600 black gem.
1 2 3