|
||||||||
|
||
Ayon sa estadistika ng Asosyasyon ng Turismo ng Myanmar, mula noong Enero hanggang Abril ng taong ito, lumampas sa 2 milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan sa Myanmar. Ito ay mas malaki ng halos 13% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang Myanmar ay bansang may pinakamalaking bahagdan ng paglaki ng turismo sa mga bansang ASEAN.
Ayon sa estadistika, noong unang 4 na buwan, ang mga turistang Thai at Tsino ay pinakamalaking bahagi ng mga turistang dayuhan sa Myanmar.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |