Sa paanyaya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinimulan ngayong araw ni Aung San Suu Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, ang limang (5) araw na pagdalaw sa Tsina. Ipinahayag niya ang pananalig na mapapatingkad ng kanyang biyahe ang positibong epekto para sa relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Sa isang regular na preskon, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na napapanatili ng CPC at iba't-ibang paksyon ng Myanmar ang relasyong pangkaibigan. Nananalig aniya siyang ang pagdalaw ng Pangulo ng NLD sa Tsina ay makakatulong sa pagpapalalim ng paguunawaan ng dalawang partido, at makakapagpasulong sa relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng