|
||||||||
|
||
Natapos kahapon ni Aung San Suu Kyi, Tagapangulo ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, ang kanyang limang-araw na pagdalaw sa Tsina. Ang biyahe ni Suu Kyi sa Tsina ay nakatawag ng pansin ng mga media sa loob at labas ng Tsina.
Ayon sa mga media, historikal at walang katulad sa kasaysayan ang pagdalaw na ito.
Ayon sa Xinhua, opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, muling ipinakita ng biyahe ni Suu Kyi na nitong 65 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, hindi nagbabago ang pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar. Sa kanyang biyahe sa Tsina, binalik-tanaw ni Suu Kyi na noong bata pa siya, nakalahok siya sa mga aktibidad na pangkaibigan sa pagitan ng dalawang bansa.
Anang Xinhua, sa kabila ng di-matatag na situwasyon sa hanggahan ng dalawang bansa, dahil sa kaligaligan ng dakong hilaga ng Myanmar pagpasok ng taong ito, nananatiling matatag sa kabuuan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Anito pa, nagtitiyaga rin si Suu Kyi sa pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Myanmar. Sa kanyang katatapos na biyahe sa Tsina, sinabi ni Suu Kyi na bilang magkapitbansa, napakahalaga ng magkasamang pagpapasulong ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |