|
||||||||
|
||
Inulit kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na may determinasyon at kakayahan ang kanyang bansa na pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan nito sa Nansha Islands, sa dakong timog ng South China Sea.
Winika ito ni Wang nang sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa South China Sea sa kanyang paglahok sa Ika-4 na World Peace Forum na idinaos sa Beijing.
Ipinagdiinan din ni Wang na patuloy na makikipagtulungan ang Tsina sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para mapanatili ang kapayapan at katiwasayan sa Nansha Islands.
Idinagdag pa niya, tulad ng dati, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ang iba pang mga bansa para matiyak ang kalayaan sa paglalayag at paglipad ng lahat ng mga bansa sa karagatang ito, batay sa pandaigdig na batas.
Kaugnay ng land reclamation project ng Tsina sa Nansha Islands, inulit ni Wang na ito'y naglalayong pabutihin ang kalagayan ng pagtatrabaho at pamumuhay ng mga Tsino na nakatalaga roon. Dagdag pa niya, naglalayon din itong magkaloob ng public goods sa komunidad ng daigdig
Ipinagdiinan din ni Wang na ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands ay may batayang pambatas at pangkatotohanan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |