Sinabi kahapon ng State Oceanic Administration ng Tsina na buong-sikap na pinahahalagahan ng bansa ang pangangalaga sa ekolohiya sa konstruksyon sa Nansha Islands sa dakong timog ng South China Sea. Ipinagdiinan nitong hindi nakapinsala at hindi rin ito makakapinsala sa kapaligirang ekolohikal ng karagatan.
Anito pa, bago simulan ang konstruksyon, nagawa ng grupo ng mga dalubhasa sa iba't ibang larangan ang pananaliksik at pagtasa. Sa proseso ng konstruksyon, ginawa rin ang mahihigpit na hakbanging pamprotekta sa kapaligiran.
Salin: Jade