Ayon sa pinakahuling "Ulat ng Kabuhayang Tsino" na ipinalabas ngayong araw ng World Bank (WB), tinatayang bababa sa 7.1% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong 2015, at bababa ito sa 6.9% sa taong 2017. Anito, ang kabuhayang Tsino ay pumasok sa mas balanse at sustenableng yugto, ngunit babagal ang bilis ng paglaki nito.
Ayon sa nasabing ulat, ang pagbibigay ng balanseng pagpapahalaga sa paglaki sa maikling na panahon at hakbangin ng reporma, ay dapat maging pokus ng gawain ng Tsina. Iminungkahi rin nito sa Tsina na dapat pabutihin ang pagbabahaginan ng credit, at dapat ding magkaloob ng pondo sa mga departamentong nakakatulong sa pagpapanatili ng sustenableng paglaki ng kabuhayan ng bansa.
Salin: Li Feng