Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang kalungkutan sa pagbagsak ng C-130 Hercules ng Indonesia. Ipinahayag din niya ang pagluluksa sa mga nasawi at pakikidalamhati sa mga kamag-anakan ng mga biktima.
Ayon sa pinakahuling datos, 142 katao ang naitalang namatay sa pagbagsak ng C-130 Hercules ng Indonesia.
Inatas kahapon ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa panig militar ng bansa na suriin ang kalagayan ng mga eroplanong militar, at i-upgrade ang kasangkapang militar.
Bumagsak kamakalawa sa kalunsuran ng Medan, punong lunsod ng North Sumatra ng Indonesia ang isang C130 Hercules plane.
Salin: Jade