PHNOM PENH—Sa kanyang talumpati kamakailan sa National Defense University ng Kambodiya hinggil sa white paper sa pambansang depensa na isinapubliko ng Tsina sa taong ito, ipinahayag ni Li Ningya, military attaché ng Pasuguan ng Tsina sa Phnom Penh ang kahandaan ng bansa na ibayo pang pasulungin, kasama ng panig Kambodyano ang pagpapalitan at pagtutulungang militar ng dalawang bansa para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Si Li Ningya,military attaché ng Pasuguan ng Tsina sa Phnom Penh
Sa kanyang talumpati, inilahad, pangunahin na ng diplomatang Tsino, ang hinggil sa white paper ng Tsina sa pambansang depensa. Ipinagdiinan ng opisyal Tsino na buong tatag na tumatahak at tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad. Patuloy aniyang mananangan sa nagsasariling mapayapang patakarang panlabas ang bansa at hindi kailanman mananalakay sa ibang bansa. Dagdag pa niya, upang mapasulong ang pakikipagtulungang militar sa Kambodya at ibang bansa, itinataguyod ng Tsina ang bagong ideyang pandepensa na nagtatampok sa magkakasamang kaunlaran, pagtutulungan at sustenableng kaligtasan.
Mahigit 500 personahe na kinabibilangan ng mga opisyal militar ng Kambodya, at presidente, guro at estudyante ng nasabing pamantasang Kombodyano ang nakinig sa talumpati.
Salin: Jade