Pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap kahapon sa White House kay Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, ipinahayag ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na mapapaunlad ng dalawang bansa ang konstruktibong relasyon batay sa paggagalangan.
Ani Obama, nitong nakalipas na 2 taon, natamo ng Amerika at Biyetnam ang malaking progreso sa aspekto ng pagpapalalim ng kooperasyon sa iba't ibang larangan. Tinalakay aniya nila ni Nguyen ang talastasan sa Trans-Pacific Partnership Agreement o TPP, at napakalaki ng kanilang nakatagong lakas sa aspektong ito.
Sinabi naman ni Nguyen na nananalig siyang patuloy na uunlad ang relasyong Amerikano-Biyetnames sa hinaharap.
Salin: Vera