Ayon sa ulat mula sa pahayagang "Thanh Nien" ng Biyetnam, ipinahayag kamakailan ng Ministri ng Pagpaplano ng Pamumuhunan ng Biyetnam na sa kasalukuyan, ang ASEAN ay pinakamalaking pinanggagalingan ng pondong dayuhan ng Biyetnam. Hanggang sa ngayon, umabot sa 2632 ang bilang ng mga mabisang proyekto ng ASEAN sa Biyetnam, at ang kabuuang halaga ng mga kasunduan ay umakyat sa 54.6 bilyong dolyares.
Kabilang dito, namuhunan ang Singapore ng 32.2 bilyong dolyares sa Biyetnam, na nasa unang puwesto, at ang Malaysia at Thailand ay nasa ika-2 at ika-3 puwesto.
Salin: Li Feng